Masakit ang tyan ko! pero di ko pwede pang sabihin why...
pag di kami nagkasundo kami nung kiosk na binilhan ko ng food, tsaka ko ipapaalam sa inyo, but for now eto muna.
Eto ang nangyayari sa mahilig kumain - kung di ka biktima ng dispepsia, empacho, biktima ka naman ng maduming pagkain!
Mejo kadiri talaga ito ngayon -- first time ko na-experience ang ganito!
Sometimes, I wish nandito ang sister ko to defend me - di kasi ako matalak eh! ang least na magagawa ko sa mga taong may atraso sa akin ay MANAKIT! [Physically] But I can't do that now, kasi food store ang kalaban ko - ano naman ang magagawa ko dun diba? siguro pwede kong basagin ang kiosk nila - ganun! pero diba jologs talaga yun. But I would like to thank din yung officemates ko na nanjan to speak for me - si Alan, Dani, and Lai.
Kaya kayo, next time na bumili kayo ng food sa mall, kahit abot hanggang Edsa pa ang pila nyan - mag ingat kayo! Mabango ang food nila, masarap ang sauce, pero kadiri talaga! will post the photos pag na-upload na namin - YUCK talaga as in!
Ingat kayo, yun lang.
kung may nagbasa man nitong blog ko....ang sinasabi ko pong kiosk ay ang - Hong Kong Style Noodles. Yes, totoo po ang lahat. Pumunta naman sila sa office para kausapin ako - ang gusto ay ipa-check up ako sa time na gusto nila....syempre may work ako at hindi pumayag. salamat nalang sa HK Style Noodles, hindi na po ako uulit at susubok na kumain ulit ng tinda nyo!
ReplyDelete